Lalake, namatay habang nanonood ng ‘The Conjuring 2’

 

Isang lalake sa India ang namatay umano sa kasagsagan ng ‘climax’ ng horror film na ‘The Conjuring 2’ sa India.

Sa ulat ng The Times of India,  naganap ang trahedya sa loob ng isang sinehan sa bayan ng Tiruvannamalai, sa lalawigan ng Tamil Nadu noong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon, una nang dumaing ng pananakit ng dibdib ang 65-anyos na lalake sa huling bahagi ng pelikula hanggang sa tuluyan itong mawalan ng malay.

Bagama’t nadala pa sa pagamutan, idineklara itong dead on arrival.

Lalo pang nadagdagan ang misteryo nang mawala ang bangkay ng biktima habang dinadala ito sa Government Medical College Hospital para isailalim sa autopsy.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbetigasyon ang mga otoridad upang matukoy kung ano ang nangyari sa bangkay ng biktima.

Sinasabing may kasama  na isa pang lalake ang nasawi sa panonood ng naturang pelikula.

Kapwa residente umano ng bayan ng Andrha Pradesh ang dalawa.

 

Read more...