131 Filipinos darating sa Pilipinas mula Sudan

Inaasahan ngayon araw ng  Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating sa bansa ng 131 Filipino mula sa Sudan.

Ayon kay Foreign Affairs Asec. Paul Cortes, sakay ng dalawang eroplano, mula Jeddah at Riyadh sa Saudi Arabia, ang mga Filipino.

Ibinahagi nito sa panayam sa telebisyon na simula noong Abril 29, 179 Filipino mula sa Sudan ang nakauwi na ng Pilipinas.

Pinagsusumikapan pa ng gobyerno ang agarang pag-uwi ng higit 200 Filipinos  na nasa Philippine Embassy in Cairo sa Egypt,  75 na nasa  Port of Sudan, na ibibiyahe naman patungong Jeddah.

Sinabi pa ni Cortes na may 70 Filipino ang pinili na manatili sa Sudan dahil sa pamilya at trabaho.

Itinaas ng DFA ang Alert Level 3 sa Sudan bunga ng umiigting na awayan ng dalawang paksyon sa militar.

Read more...