Mas mababa ang naitalang inflation noong nakaraang buwan kumpara sa naitala noong nakaraang Marso.
Base sa impormasyon mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), 6.6 percent ang inflation noong Abril mula sa 7.6 percent noong Marso.
Sa unang pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang April inflation ay maglalaro mula 6.3% hanggang 7.1%
Sinabi ni Usec. Dennis Mapa, bumaba ang halaga ng mga pagkain, partikular na ang mga gulay, isda at karne, gayundin ng non-alcoholic beverages noong nakaraang buwan.
May pagbaba din sa upa sa bahay, presyo ng kuryente at tubig.
Sa Metro Manila ang inflation rate noong Abril ay 7.1% mula sa 7.8% noong Marso.
MOST READ
LATEST STORIES