Las Piñas City College – College of Engineering Building itatayo na

LAS PINAS LGU / PIO PHOTO

Sisimulan na ng pamahalaang-lungsod ng Las Piñas ang konstruksiyon ng bagong gusali ng Las Piñas City College of Engineering-Nene Aguilar Campus sa Barangay Talon Dos, sa lungsod.

Nabatid na noong nakaraang Martes, Mayo 2, isinagawa na ang ground breaking ceremony sa pangunguna ni  Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar kasama ang anak na si Vice Mayor April Aguilar.

Ayon kay Mayor Aguilar ang pagpapatayo ng isang 10-palapag na gusali ay bahagi ng kanilang programang pang-edukasyon, na kabilang sa pinaka-prayoridad ng kanyang pamumuno.

Dagdag pa ng opisyal, ang proyekto ay para na rin patuloy  na makakuha ng de-kalidad na libreng edukasyon ang mga kabataang Las Piñeros.

Maisasakatuparan aniya ang proyekto sa tulong at pagpupursige na rin ng nakakabatang Aguilar at ng pinamumunuan niyang Sangguniang-Panglungsod, na siyang naglaan ng pondo para sa konstruksyon ng gusali.

Pagbabahagi din ng alkalde na 4,000 scholars ng lungsod ang makikinabang sa libreng pag-aaral sa City College of Engineering, na ipinangako niya na moderno ang mga pasilidad.

Kayat tiwala siya na sa pamamagitan ng kolehiyo, magkakaroon ng mga mahuhusay na inhinyerong Las Piñeros sa mga darating na taon na magbibigay karangalan at tagumpay sa lungsod.

Bukod sa mag-inang Aguilar, dumalo din sa naturang groundbreaking ceremony sina Couns. Danilo Hernandez, Mark Santos, Peewee Aguilar, Lord Aguilar, Florante Dela Cruz, Henry Medina, Roberto Cristobal, Rachelle Dela Peña, department heads at si DFCAM-CLP President Ramoncito Jimenez

Read more...