Inamin ni Pangulong Marcos Jr. na may pang-aabuso sa anti drug war campaign sa administrasyon ni dating Pangulong Duterte.
Ayon sa Pangulo, tumutok kasi sa law enforcement noon ang anti drug war campaign.
Pero paglilinaw ng Pangulo, wala siya sa posisyon na magbigay ng assessment sa naging operasyon ng nakaraang administrasyon.
Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na lalo pang lumakas ang mga sindikato ng illegal na droga, yumaman at naging mas maimpluwensya pa ang mga drug personalities.
Sabi ng Pangulo, sa halip na tugisin ang bawat isa, mas makabubuting buwagin na muna ang mga sindikato.
Katunayan, sinabi ng Pangulo na pinagbitiw niya ang lahat ng mga pulis na may ranggong colonel pataas para mabatid kung sino sa kanila ang sangkot sa illegal na droga.
Tinutukan din aniya ng kanyang administrasyo ngayon ang rehabilitasyon para sa mga naging adik sa illegal na droga.