Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot sa 300 metro ang taas ng abo na ibinuga ng Bulusan dakong ala 1:03 ng hapon.
Tumagal ng pitong minuto ang ‘phreatic’ o steam-driven explosion.
Ayon kay Reden Dimaano, hepe ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ilang mga barangay sa hilaga-kanlurang bahagi ng bulkan ng nakaranas ng manipis na ashfall resulta ng kaganapan.
Noong nakaraang June 10, nagbuga rin ng abo ang bulkan na umabot ng mahigit 2 kilometro ang taas.
Kahapon, nauna nang nag-alburoto ang bulkang Kanlaon sa Negros.
MOST READ
LATEST STORIES