Red-tape cut sa Pilipinas ibinida ni Pangulong Marcos Jr., sa US
By: Chona Yu
- 2 years ago
Washington, D. C–Nagtagumpay ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pagsasagawa ng streamlining sa permitting processes.
Ito ang Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa harap ng mga negosyanteng Amerikano.
Pagtitiyak ng Pangulo, tinutugunan na ng pamahalaan ang red tape at i- digitalize ang bureaucratic processes.
“They have done a very good job. They have reduced some of the permitting procedures from — for different industries from several months to just a few days,” pahayag ng Pangulo.
“I really am confident that the authority, if it’s continued — if it can continue its work and if it is — it is well supported by legislation, by the bureaucratic procedures, we can cut down many of those unnecessary regulatory documentary requirements, ” dagdag ng Pangulo.
Natuwa naman ang mga Amerikanong negosyante sa mga elemento na nakapaloob sa Anti-Red Tape Law at kung paano mapabilis ang foreign direct investment (FDI) at negosyo sa Pilipinas.
Isang hamon na lang ayon sa Pangulo ay kung paano makikipag kompetensya ang Pilipinas sa ibang bansa.
Hindi naiwasan ni Pangulong Marcos na humanga sa ibang bansa na natatapos ang pag proseso sa dokumento sa loob lamang ng 24 oras.