Washington, D. C.—Hindi lang mineral extraction ang target na gawin ni Pangulong Marcos Jr., kundi maging ang paggawa ng mga baterya para sa local consumption.
Pero ayon sa Pangulo, kailangan ng teknolohiya at malakas na partisipasyon ng mga industriya para mabuo ang plano. Sabi ng Pangulo sa harap ng mga Amerikanong negosyante, mabagal ang pagkilos ng mineral resources sa bansa. Kaya nais ng Pangulo ang posibilidad n a makapag-produce ang Pilipinas ng batteries basta gagamitin ng green metals gaya ng cobalt at nickel. “As I said, we would like to go beyond just the phase of just extracting the minerals and to actually go vertically integrate that entire activity all the way down to actual battery production,” pahayag ni Pangulong Marcos. Ginawa ng Pangulo pahayag sa harap ng mga Amerikanong negosyante sa Blair House sa Washington. “Since battery production is now going to be or has become such an important part of our businesses with the advent again we always come across this issue with the advent of climate change and the Philippines being vulnerable to the effects of climate change, ” pahayag ng Pangulo. Naniniwala ang Pangulo na ang local battery production sa tulong ng mga foreign technology at capital ay maaring maging solusyon sa problema sa suplay sa enerhiya at iba pang energy-related issues. Sabi ng Pangulo, pinagsusumikapan ng pamahalaan na mabago ang tradisyunal na paggamit sa fossil fuels patungo sa renewable energy. “And the part that batteries will play in that whole system cannot be overstated. And that is why it would be very good if we could bring the industry into the Philippines,” pahayag ng Pangulo. “But to do that we need technology, we need of course the capital and the resources to undertake such activities. They are not small projects and so they require major funding and that again is another part of the situation that we have to deal with, ” dagdag ng Pangulo.MOST READ
LATEST STORIES