Limamput dalawa at hindi 55 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nahawa ng COVID 19.
Sa inilabas na paglilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor), lima at hindi isa sa kanilang mga tauhan sa maximum security compound ang taglay din ang sakit.
Kayat sa kabuuan 57 bilanggo at kawani ang nahawa ng nakakamatay na sakit.
Una nang sinuspindi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang pribelihiyo para mabisita ang mga bilanggo.
Sinundan ito ng kautusan na ang lahat ng magtutungo sa lahat ng tanggapan sa NBP ay kailangan na magsuot ng face mask at magpakita ng negatibong resulta ng Rapid Antigen test.
MOST READ
LATEST STORIES