42% ng mga Filipino sinabing gawing opsyon lang ang ROTC sa senior high school
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Apatnaput dalawang porsiyento ng mga Filipino ang nais na maging opsyon lamang ng senior high school students ang pagkuha sa Reserve Officers’ Training Corps program, base sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).
Anila dapat ay maaring piliin ng mga estudyante ang community service sa halip na sumailalim sa ROTC program.
May 35 porsiyento naman ang sumagot sa 1st Quarter 2023 Survey na dapat ay gawing “compulsary” ang ROTC, samantalang may 22 porsiyento naman ang nagsabi na hindi dapat isama ang ROTC sa curriculum.
Isinagawa ang survey noong marso 26 hanggang 20 na may 1.200 respondents.