Apat na rehiyon sa Luzon ang nakaramdam sa Magnitude 5.8 earthquake.
Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, alas-8:49 ngayon umaga nang maitala ang lindol sa distansiyang 42 kilometro ng dagat na sakop ng Maconacon, Isabela. Ito ay naramdaman ng Intensity V sa Penablanca, Enrile, and Tuguegarao City sa Cagayan. Intensity IV – City of Batac, Ilocos Norte. Intensity II – Pasuquin, Bacarra, at City of Laoag, Ilocos Norte. Ang naitalang instrumental Intensities: Intensity V – Penablanca, Cagayan Intensity IV – Gonzaga, Cagayan Intensity III – Ilagan, Isabela Intensity II – Casiguran, Aurora; Pasuquin, Laoag City, Batac, Ilocos Norte; Vigan City, Ilocos Sur; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; Madella, Quirino. Intensity I – Bangued, Abra; Diapaculao, Baler, Aurora; Narvacan, Ilocos Sur; Bayombong, Nueva Vizcaya. Ayon sa Phivolcs asahan na ang pagkakaroon ng aftershocks at wala naman banta ng tsunami.MOST READ
LATEST STORIES