Defense cooperation ng Pilipinas, US pinagtibay

FILE PHOTO

Bumalangkas na ng bilateral defense guidelines sina Defense Officer in Charge Carlito Galvez at US Defense Secretary Lloyd Austin.

Ito ay para gawing moderno ang alyansa at kooperasyon ng dalawang bansa para sa bukas at malayang Indo-Pacific region.

Base sa impormasyon mula sa sa US Department of Defense, nakasaad sa guidelines na gagamitin ang mutual defense commitment sa ilalim ng 1951 PH-US Mutual Defense Treaty kapag mayroong pag-atake sa Pacific region.

Kabilang na rito ang banta sa land, sea, air, space, at cyberspace attack.

Una nang sinabi ng Amerika na ipagtatanggol ang Pilipinas sakaling may ginawang pag-atake sa South China Sea.

Read more...