US semicon company magbubuhos ng dagdag na $200-M sa Pilipinas

PCO PHOTO

Washington, D. C. – Magdadagdag ng $200 million investment ang isang semiconductor company sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang ginawang pakikipagpulong ni Pangulong  Marcos Jr. sa mga opisyal ng Analog Devices, Inc.’s (ADI) Research and Development sa pangunguna ni  John Hassett, Senior Vice President and Chief Operating Officer sa Blair House, dito. Nabatid na magtatayo ang ADI ng bagong   R&D facility na idadagdag sa  LEED certified production facility sa Gateway Business Park sa Cavite. Nagpasalamat ang Pangulo sa ADI dahil sa patuloy na tiwala at paglalagak ng puhunan sa bansa. “So rather than the more basic stuff that may have been done 15, 20 years ago, we have continued to increase the level of technology that’s been introduced since the planning,” pahayag ng Pangulo. Ang ADI ay isang global semiconductor leader, na itinatag ito noong 1965.na gumagamit ng Intelligent Edge, na pinaghalong analog, digital, at software technologies  na nagbibigay solusyon sa digitized factories, mobility at digital healthcare, combat climate change at iba pa. Hanggang noong nakaraang taon,  nasa 5,252 ang empleyado ng ADI na may  USD 394.39 million total na halaga ng exports.

Read more...