Ibinahagi ni OCTA fellow Guido David ang ulat na ang weekly positivity rate sa Kalakhang Maynila sa nakalipas na isang linggo o hanggang noong Mayo 1 ay nadagdagan ng 7.1 porsiyento mula sa 11.7 porsiyento noong Abril 24.
Sa kanyang unang pagtataya, sinabi ni David na maaring umabot pa sa 20 porsiyento ang positivity rate sa National Capital Region.
Base sa huling case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), mas mataas ng 42 porsiyento ang naitalang average 637 daily cases hanggang noong Mayo 1 kumpara sa naitala sa sinundan na anim na araw.
Ayon pa sa kagawaran ang average daily cases sa bansa ay maaring hindi bumaba sa 600 hanggang sa susunod na buwan.