Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of Energy (DOE) at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na agad nang resolbahin ang krisis sa kuryente sa Western Visayas.
“The DOE and the NGCP must step up and answer for the massive blackouts hitting Western Visayas. These are no longer just an inconvenience. They are a major problem, affecting the economy and endangering the wellbeing of our people,” diin ni Zubiri.
Noong nakaraang Pebrero tinamaan ng malawakang blackouts ang rehiyon kasabay ng panahon ng tag-init. Marami na rin aniyang mga maliliit na negosyo ang nagbawas ng oras ng operasyon dahil sa kakapusan ng kuryente.
Dagdag lang ni Zubiri noon lamang Pebrero tumagal ng hanggang 10 oras ang blackout sa ilang bahagi ng rehiyon.
“The frequency of these blackouts is alarming, and it is on the DOE and the NGCP to get their act straight and find long-term solutions already. A few minutes of power interruption every once in a while is understandable, but frequent outages that last for hours and hours and cause loss of income is unforgivable. The DOE and the NGCP must answer to consumers,” sabi ni Zubiri.
Sabi pa ni Zubiri na kung kailangan na amyendahan ang EPIRA Law handa ang Senado na gawin ito para maresolba ang krisis sa enerhiya.
“We have received the administration’s suggested amendments to the EPIRA, and we are already studying these, and seeing how these amendments can be further refined to best respond to the problems that we are hearing about from the power sector and especially from consumers,” sabi pa nito.