Pangulong Marcos Jr., interesado sa micro nuclear fuel

WASHINGTON, D.C-Para maresolba ang krisis sa suplay ng kuryente, target ni Pangulong Marcos Jr. na magkaroon ng “cutting edge” micro nuclear fuel technology sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, base sa kanyang pakikipagpulong kay Ultra Safe Nuclear Corporation chief executive officer Francesco Venneri, isusulong ang proyekto para maitaguyod ang malinis at reliable nuclear energy sa bansa.

Ang USNC ay isang US-based firm global leader at vertical integrator ng nuclear technologies and services.

Seryosong ikinukunsidera ng USNC ang Pilipinas na magkaroon ng unang nuclear energy facility sa Southeast Asia.

Pangako ng kompanya na tutugunan ang seryo ng blackout sa ibat ibang bahagi ng bansa.

“We also note that there’s a great deal of discussion about Mindoro having blackouts and that might be an excellent….a good science [solution],” pahayag ni Venneri.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na tinutugunan na ng kanyang aadministrasyon ang naturang problema.

Read more...