75,000 Filipino seafarers bibigyan trabaho ng US shipping firm

WASHINGTON, D.C.-Kukuha ng 75,000  Filipino seafarers sa susunod na tatlong taon ang isang seafarer industry sa Amerika.

Sinabi ito ni Pangulong Marcos Jr. matapos ang pakikipagpulong kay John Padget, president at chief executive officer ng Carnival Corporation, dito.

Ayon kay Padget, ang hospitality at ang competitiveness sa global workforce ang dahilan kung kaya pinili nila ang mga Filipino seafarers.

Nabatid na si Padget ay kumakatawan rin sa mga kompanyang Carnival Cruise Line, Holland American Airlines at Seaborn.

“It doesn’t matter whether it’s the marine, deck, hospitality, restaurant…everything is based on the happiness, the smile, and the greatness of the Filipino employees,” pahayag ni Padget.

Sa naturang pagpupulong, iprinisinta ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan Ople kay Pangulong  Marcos Jr. na kumuha na ang naturang kompanya ng 200,000 na mga manggagawa.

Pagbibida ni Ople, sumusunod ang mga Filipinong manggagawa sa patas at ethical standards at mga prinsipyo.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang US employers sa patuloy na pagtitiwala sa mga Filipino professionals at skilled workers.

“When you say that the — the ladies and gentlemen that we have here today represent 200,000, you do not represent 200,000 employees, you represent 200,000 families and you represent 200,000 communities in the Philippines,” pahayag ng Pangulo.

Nasa 4.4 milyong Filipino ang naninirahan sa Amerika ngayon kung saan kumakatawan ito sa ikaapat na puwesto  ng may pinakamalaking immigrant group kaasunod ng Mexicans, Indians at Chinese.

Malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang remittances ng mga Filipino sa abroad dahil sa kanilang skills, talents at expertise.

 

Read more...