Sinabi ni Senator Sonny Angara na ang hinihinging P1 bilyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ay maaring maisama sa pambansang pondo sa susunod na taon.
Aniya napakahalagang imprastraktura ng paliparan kayat nararapat na isama ito sa 2024 National Expenditure Program (NEP) ng administrasyon.
May panahon pa ang Department of Budget and Management (DBM), ayon sa namumuno sa Senate Committee on Finance,para gawin ito dahil ang pagsusumite ng NEP ay pagkatapos ng State of the Nationa Address (SONA) ng Punong Ehekutibo.
Paliwanag pa ng senador maari din mapaglaanan ng supplemental budget ang nais ng MIAA kung talagang kailangan na kailangan na ito.
Maari din humugot ang administrasyon sa kanilang “savings.”