5 police generals nagalaw sa pagbalasa ni PNP Chief Acorda

PNP PHOTO

Isang linggo matapos maitalaga bilang bagong hepe ng pambansang pulisya, nagtalaga si Police General Benjamin Acorda Jr., ng kanyang bagong director for intelligence.   Si Brig Gen. Jose Nartatez Jr., ang bagong mamumuno sa Directorate for Intelligence (DI).   Pinalitan naman siya bilang director for comptrollership ni Brig. Gen. Rommel Marbil.   Magugunita na si Acorda ang namumuno sa DI nang maitalaga siya bilang PNP chief at sinalo ni Nartatez ang puwesto nang magretiro si Maj. Gen. Jesus Cambay noong Abril 20.   Itinalaga naman si Brig. Gen. Vincent Calanoga bilang acting director ng Eastern Visayas Regional Police Office kapalit ni Marbil.   Si Brig. Gen. Roger Quesada naman ang acting deputy regional director for administration ng Bicol Regional Police Office.   At si Brig. Gen. Limuel Obon ang bagong namumuno sa PNP – Human Rights Affairs Office.

Read more...