Washington, D.C.-Nalagpasan na ng Pilipinas at Amerika ang magulong relasyon.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ang pagbisita niya sa Amerika ay may mabigat na kahulugan lalo’t dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon ng dalawang bansa ilang taon na ang nakararaan.
“But similarly to our ambassadors’ friendships, like two friendships, you go to turbulent times when there are misunderstandings, when there are difficulties, when other forces prevail upon both sides of the partnership. But between the Philippines and the United states, we have prevailed through all that like a true friendship,” dagdag ng pangulo.
Sabi pa ng Pangulo, kailanman ay hindi nabawasan ang papel na ginagampanan ng dalawang bansa.
“And the reason for that I believe is that we truly have come to an understanding as to how we believe certain values and what is important, and our role in the world and that has never really been diminished,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Matatandaang panay banat noon si dating Pangulong Duterte sa Amerika.