Inanunsiyo ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bumuo ng joint committee na mag-iiimbestiga sa ugat ng pagkawala ng kuryebte sa NAIA Terminal 3 kahapon.
Kasabay nito ang pagbabalik sa normal ng operasyon sa naturang terminal.
Ibinahagi nito na may impormasyon na hindi pangkaraniwan ang pagbagsak ng sistema sa naturang terminal.
Aniya ang komite ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), gayundin ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).
Sinabi pa ng kalihim na hindi isinasantabi ang posibilidad ng pananabotahe.
Sa biglaang pagbagsak sa suplay ng kuryente, libo-libong pasahero ang naapektuhan.