Lapid, Tolentino pabor sa pagbabalik ng mandatory mask use

Kapwa pinaboran  nina Senators Lito Lapid at Francis Tolentino ang plano na ibalik ang mandatory face mask use sa bansa dahil sa paglobo ng COVID 19 cases.

Katuwiran ni Lapid dapat ay may mga natutuhan na ang mga Filipino sa kasagsagan ng pandemya.

“Dapat hindi natin makalimutan ang mga natutuhan natin sa pandemya. Huwag na nating antayin na maulit ang pinakamalalang bahagi nito,” ani Lapid.

Sa bahagi naman ni Tolentino, sinabi nito na nakababahala ang bagong COVID 19 variant, ang XBB.1.16 o ang Arcturus kayat pabor siya na maibalik ang mandatory na paggamit ng face mask.

“Okay lang iyon kasi yung Arcturus, remember that name that’s the new variant, that variant na iyon kasama sore eyes,” katuwiran naman ni Tolentino ukol sa naturang plano.

Read more...