Hirit ni Bistek na pagbasura sa sa graft case inayawan ng Sandigan

Ibinasura ng  Sandiganbayan ang hirit ni dating Quezon City Mayor Herbert  Bautista na ibasura na ang kinahaharap na kasong katiwalian sa katuwiran na nalabag ang kanyang karapatan.

Magugunita na kinasuhan ng kasong katiwalian si Bautista kassama si dating City Administrator Aldrin Cuña dahil sa pagbabayad ng higit P32 milyon sa Geodata Solutions, Inc., para sa pagbili ng occupational permitting and tracking system.

Ang alegasyon ng panig ng prosekusyon, walang ordinansa para sa pagbili at hindi din nakumpleto ang delivery ng sistema.

Isinulat ni 7th Division Chairperson Ma. Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta ang resolusyon at sinang-ayunan nina  Associate Justices Zaldy Trespeses at Georgina  Hidalgo.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Bautista na hindi nangangahulugan na may masamang intensyon, may kinilingan o nagpabaya siya sa pagpasok sa kontrata sa Geodata.

Diin din niya nalabag ang kanyang karapatan para sa mabilis na paglilitis dahil inabot ng higit tatlong taon ang preliminary investigation at noon lamang nakaraang Marso 15 naisampa ang kaso.

Katuwiran ng Sandiganbayan hindi naman sinadya ng Ombudsman na mapatagal ang kaso.

Bunga ng naturang desisyon, itinakda na sa Mayo 18 ang pagbasa ng sakdal at pre-trial sa kaso.

 

 

Read more...