Pagkasa ng blended learning system ngayon tag-init sinuportahan ng CHR

Suportado ng  Commission on Human Rights (CHR)  ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na nagbigay ng awtoridad sa mga eskuwelahan na magkasa ng “blended and alternative delivery modes (ADM)” para maprotektahan ang mga estudyante sa mga kalamidad.

Unang inilabas ang DepEd’s Order No. 037 — the Guidelines on the Cancellation or Suspension of Classes and Work in Schools in the Event of Natural Disasters, Power Outages/Power Interruptions, and Other Calamities — noong Abril 26.

Sa kautusan, iginiit sa mga namumuno sa mga paaralan, na ang napakataas na temperatura ng panahon ay kabilang sa mga maaring maging dahilan ng pagkansela ng mga klase at pagkasa ng ADM.

Sa pagpapahayag ng suporta ng CHR, binanggit ang pag-aaral ng International Labor Organization (ILO) noong 2019, kung saan nasabi na ang napaka-init na temperatura dahil sa climate change ay maituturing ng “safety hazard.”

Ayon pa sa ahensiya, kapuri-puri ang ginawa ng DepEd base na rin sa mga ulat na marami ng estudyante ang nakaranas ng isyung pangkalusugan dahil sa matinding init.

 

 

 

 

Read more...