Mula sa El Niño Watch, itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang El Niño Alert.
Ito ang pangalawa sa huling stage ng El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System.
“Recent conditions and model forecasts indicate that El Niño may emerge in the coming season, June-July-August, at 80 percent probability and may persist until the first quarter of 2024,” ayon sa PAGASA.
Dagdag pa: “With this development, the PAGASA El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System is now raised to El Niño Alert.”
Unang itinaas noong nakaraang Marso 23 ang El Niño Watch.
Paliwanag ng PAGASA kung ang pagkakaroon ng El Niño ay mangyayari sa susunod na dalawang buwan at ang posibilidad ay nasa 70 porsieynto, magiging epektibo na ang El Niño Alert is issued.
Ang “last and final stage” sa ENSO Alert System ay “full-blown” El Niño status.
Sa tuwing may El Niño mas mababa ang pagkakaroon ng pag-ulan kayat maaring magbunga ng tag-tuyot sa ilang bahagi ng bansa.