Maayos na paglilipat ng mga barangay sa Makati City patungong Taguig inapila
By: Chona Yu
- 2 years ago
Umapela si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa lokal na pamahalaan ng Taguig at Makati City na magtulungan para magkaroon ng “smooth transition” kaugnay sa naging pinal na desisyon ng Supreme Court(SC) na nagtatakda na ang 729-hectare Fort Bonifacio Military Reservation kung saan naroon ang Bonifacio Global City(BGC) at ang ilang barangay sa Makati City ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City.
“The decision is now final and executory. All must respect the decision which the SC itself rendered after decades of litigation. Taguig and Makati should work together to ensure a smooth transition so that services will not be disrupted,” pahayag ni Mercado.
Nauna nang sinabi ni SC Spokesman Brian Keith Hosaka na bunsod ng ipinalabas na pinal na desisyon ng SC sa land dispute ay hindi na ito tatanggap ng anumang pleadings, motions, letters o anumang komunikasyon patungkol sa nasabing isyu.
Nlinaw din nito na ang huling apela ng Makati City Government sa inihain nitong Omnibus Petition na humihiling pa na resolbahin ang land dispute ng Supreme Court En Banc ay ibinasura na rin dahil sa kawalan ng merito.
Sa naging desisyon ng Kataas taasang hukuman sinabi nito ang Taguig ang syang nakakasakop sa kinukuwestiyong teritoryo base na rin sa historical, documentary at testimonial evidence, sakop ng 729 hectare na hurisdiksyon ng Taguig City ang Fort Bonifacio kabilang dito ang Barangay Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo at Pitogo gayundin ang Philippine Army headquarters, Navy installation, Marines’ headquarters, Consular area, JUSMAG area, Heritage Park, Libingan ng mga Bayani, AFP Officers Village at 6 pang villages sa tabi nito.
“Considering the historical evidence adduced, cadastral surveys submitted, and the contemporaneous acts of lawful authorities, We find that Taguig presented evidence that is more convincing and worthier of belief than those proffered by Makati,” nakasaad sa SC decision.
Nakasaad din sa SC decision na ang Makati City ang syang magbabayad ng ginastos sa land dispute case.
Samantala sa panig ng Taguig, sinabi nito ang pagtatapos ng legal battle ay simula na ng bagong chapter para sa mga naapektuhan ng land dispute.
“Our victory in the courts of law is not merely a vindication of our rights. It is equally a command for us to make good use of this once-in-a-lifetime opportunity to expand our brand of committed public service to new constituents. We welcome our new Taguigeños with this solemn promise,” nakasaad sa ipinalabas na statement ng Taguig City.
Umaasa ang Taguig City na makikipagtulungan ang Makati City para sa gagawing transisyon ng public service sa mga dating residente ng Makati na ngayon ay matatawag nang Taguigeño.