Ito ang babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs sa mga residente na naninirahan malapit sa nasabing bulkan.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, patuloy nilang minomonitor ang bulkan dahil anumang oras ay maaaring maulit ang pagbuga ng abo nito.
Payo ni Solidum sa publiko, iwasan munang pumasok sa 4-kilometer danger zone ng bulkang Kanlaon.
Bagaman may mga lugar na nasa loob ng danger zone, mahalaga aniya na wala munang aakyat sa tuktok ng bulkan bilang bahagi ng pag-iingat.
Pinayuhan rin ang mga piloto ng domestic flights na iwasan din ang pagdaan sa airspace ng bulkan dahil sa volcanic ash.
Inutos din ng Phivolcs sa mga residente na malapit sa lugar na magsuot ng face mask dahil nagdudulot ng panganib sa kalusugan partikular na sa may hika kapag nalanghap ang abo mula sa bulkang Kanlaon.
Kapag lumala ang banta ng pagsabog ng bulkan, sinabi ng Phivolcs na handa nilang ipag-utos ang pagpapalikas sa mga residente.