Ngunit ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan, ipagpapatuloy nila ang ginagawang paghahanap sa bangkay ni Canadian national Robert Hall na pangalawang pinugutan ng ulo ng ASG.
Nakatanggap aniya sila ng impormasyon na dalawang lugar sa Sulu ang posibleng kinaroroonan ng katawan ni Hall.
Kabilang sa lugar na sinasabing pinagtaguan sa bangkay ni Hall ay ang munisipyo ng Talipao.
Pero ayon pa kay Tan, nang puntahan ng kanilang tropa ang dalawang lugar ay wala silang natagpuan na bangkay.
Paniniwala ng militar, posibleng nililipat ng Abu Sayyaf ang bangkay ng biktima sa iba’t ibang lugar upang mas mahirapan sila sa ginagawang paghahanap.
Sinabi rin ni Tan na biniberipika nila ang lumulutang na impormasyon mula mismo umano sa ASG na sa karagatan itinapon ang bangkay ni Hall.