Gobyerno sasaklolo sa energy crisis sa Panay, Negros

Tutulungan na ng gobyerno ang mga electric cooperative sa Negros at Panay sa distribusyon ng kuryente.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos Jr. matapos makaranas ng malawakang brownout ang dalawang lugar sa mga nakalipas na araw.

Paliwanag ng Pangulo, hindi kapos ang suplay ng kuryente sa dalawang lalawigan bagkus ay mayroong problema lamang sa distribution system.

Agad din niyang nilinaw na hindi take-over ang gagawin ng gobyerno kundi tutulong lamang para maayos ang problema.

Nakatatawa aniya na nagkakaproblema sa kuryente ang Negros gayung mayroon naman itong surplus power supply.

Sa ngayon aniya, nabigyan nang solusyon ang power outage sa Occidental Mindoro.

Read more...