“Losers” sa 2022 elections bibigyan puwesto sa gobyerno

PCO PHOTO

May itatalaga si Pangulong Marcos Jr. na mga natalong kandidato sa nakaraang 2022 national elections sa kanyang gabinete.

Gagawin niya ito pagkatapos ng one-year election ban.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa loob ng eroplano habang nasa biyahe mula Manila patungo ng Washington D.C., sinabi nito na marami sa mga natalong kandidato ay magagaling at kuwalipikado at gustong tumulong sa gobyerno.

Gayunman, tumanggi na muna si Pangulong Marcos na kilalanin ang mga natalong kandidato ang magiging bahagi ng gabinete.

“The beginning of the second year of my term, palagay ko mayroon…not a shuffle but we will add people to Cabinet, to strengthen the Cabinet. No, I will not announce anybody now. They should not here it from the press, they should here from me. Kami muna mag-usap,” pahayag ng Pangulo.

 

Read more...