Banggaan ng Ph Coast Guard at China Coast Guard, muntik na talaga! – PBBM Jr.

Kinausap na ni Pangulong  Marcos Jr. ang mga opisyal ng China. at inusisa  sa nangyaring insidente kung saan muntik nang makabanggaan ang mga barko ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa eroplano habang nasa biyahe patungong Washington D. C., sinabi nito delikado ang nangyariing insidente.

Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung sino sa opisyal ng China ang kanyang kinausap.

“I asked him — you know, that this is the kind of thing that we want — we’re hoping to avoid, that this time it was a little more dangerous because malapit na sila eh,” pahayag ng Pangulo. “Talagang kamuntik na nagbanggaan and that will cause a great many — that can cause casualties on both sides. And that’s exactly what we want to avoid kaya’t binilin ko sa kanila ‘yung aking sinasabi na mayroong high level na communication, tapusin na natin, buuin natin. Hindi pa natin nabubuo, we’re waiting for China to give us the details kung who will we be the team at their end,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa niya na kailangan na ang high level communication para maiwasan na ang mga kahalintulad na insidente.

Nakumpleto na aniya ng Pilipinas ang team na tatalakay rito habang hinihintay pa ang panig ng China. “Yung sa Pilipinas tapos na. We already have the team — we have already submitted the names even the telephone numbers of these people so inaantay na lang natin ‘yung counterpart ng team natin from China,” pahayag ng Pangulo.

Hirit ng Pangulo sa China, pag-usapan na ang fishing ground sa lugar dahil ito ang prayoridad ng Pilipinas ngayon.

” I mean, of course, the overall priority is to safeguard our maritime territory but the — when you go down into the details, the most immediate, let’s say, concern are the fishing rights. So that’s what we have to do. That’s what we have to decide and they have agreed again to sit down, ” pahayag ng Pangulo. “I’ve asked the Coast Guard and the DFA to put together perhaps a map of these fishing grounds that — sasabihin natin, ito Pilipinas talaga ito and we’ll see what they say when we give them our proposal,” sabi pa nito.

Read more...