Ikinukunsidera ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa bansa.
Bunga ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa loob ng eroplano habang nasa biyahe mula Manila patungo sa Washington D.C., sinabi nito na kukunsultahin niya muna ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Department of Health (DOH) ukol sa naturang plano.
“I hope we don’t we have to but we might and I hope not,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na na kinakailangan na magsagawa muli ng special vaccination sa mga bata para mabawasan ang bilang ng mga tatamaan ng COVID-19.
Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na marami ang nahihirapan ngayon dahil sa matinding init kung kaya mas makabubuting paigtingin ang prevention.