Sa July 19, gaganapin ang kauna-unahang storm surge drill sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Dr. Vicente Malano, ang Baseco ang napili nilang lugar dahil ito ang isa sa maaring makaranas ng hagupit ng storm surge o ‘daluyong’ sakaling rumagasa ito sa Manila Bay.
Sinabi ni Dr. Malano na regular na isasagawa ang storm surge drill partikular sa mga lugar malapit sa mga baybaying dagat.
Matatandaang libu-libong katao ang namatay dahil sa umabot ng hanggang pitong metrong taas ng daluyong ang rumagasa nang dumaan ang Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas noong 2013./ Jong Manlapaz
MOST READ
LATEST STORIES