Magkaroon man ng krisis sa tubig agad itong matutugunan ng gobyerno kung maitatag ang Department of Water Resources.
Ito ang paniniwala ni Sen. Christopher Go kasabay ng pagpuri niya sa pagsusumikap ng administrasyong-Marcos Jr., na magkaroon ng suplay ng malinis na tubig ang lahat ng Filipino.
Pagbabahagi niya nasa committee level sa Senado at Kamara ang mga panukala sa pagbuo sa Department of Water Resources.
“Pag-aralan nating mabuti. As a member of the Committee on Agriculture, isa rin ito sa priority legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos, recognizing the critical issue ng sapat at ligtas na tubig sa bansa,” sabi pa ni Go.
Noong nakaraang Marso 23, nagpalabas ng executive order si Pangulong Marcos Jr., na bumuo sa Water Resource Management Office dahil na rin sa nahaharap sa krisis sa tubig ang bansa.
Aniya dapat ikunsidera ang epekto ng mararanasang El Nino kayat hindi isinasantabi ang posibilidad ng pangmatagalang tag-tuyot.
Nabanggit din niya ang epekto sa suplay ng tubig ng climate change at global warming.