Online post ng mandatory face mask use sa Metro Manila, fake news! – DOH

Walang katotohanan ang viral online post ukol sa mandatory na paggamit muli ng mask sa Metro Manila, ayon sa Department of Health (DOH).

Giit ng kagawaran nanatiling “status quo” o walang pagbabago sa polisiya ukol sa paggamit ng mask.

Sa online post na may mensahe na “mask should be worn at all times” sa Metro Manila ay kumakalat  sa nakalipas na mga araw.

“The department continues to remind the public to be mindful of the information we share and source information from reputable sources such as the official platforms and pages of the department, other national government agencies and institutions, as well as known news outlets among others,” ang abiso ng DOH.

Nilinaw din na ang Metro Manila ay nanatili sa Alert Level 1 kasabay nang pag-uusap pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa umiiral na COVID 19 alert level systems.

Sa inilabas na case bulletin ng DOH noong Lunes, nakapagtala ng bagong 3,148 COVID 19 cases na mataas ng 32 porsiyento kumpara sa naitala sa sinundang anim na araw.

Read more...