Pagbabalik sa mandatory face mask, fake news ayon sa DOH

AFP photo

 

Pinabulaanan ng Department of Health na muling ipatutupad sa Metro Manila ang mandatory na pagsusuot ng facemask.

Ito ay matapos muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa pahayag ng DOH, “false” o walang katotohanan ang mga kumakalat na balita sa social media.

Sinabi pa ng DOH na mananatili sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa Inter-Agency Task Force para talakayin ang Alert Level system sa bansa.

 

Read more...