Ibinida ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang bagong artwork exhibit sa pedestrian underpass na kumukonekta sa Quezon City Hall at Quezon Memorial Circle.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bida sa “QC Underparadisso” ang Philippine endangered flora at fauna.
Tampok ang art exhibit base na rin sa pakikipagtulungan ng Sentro Artista Art Hub.
Para madiskubre ang mga species, maaring i-scan ng mga dumadaan ang QR code na matatagpuan sa entrance ng underpass.
“We recognize that all walks of life can learn so much through art. We hope that the QC Underparadisso will be able to raise the awareness of the public, especially the youth, and inspire them to do their share in protecting the environment,” pahayag ni Belmonte.
Kabilang sa mga species na tampok ang Philippine Eagle, Tamaraw, Pangolin, Warty Pig, Negros Bleeding Heart Pigeon, Tarsier, Waling-waling, at Alocasia.
“We want our QCitizens to look forward to walking along a beautiful, colorful, and enjoyable underpass where they can take pictures and learn more about nature,” pahayag ni Belmonte.
Nabatid na ang monumental artwork ay collectively illustrated ng internationally acclaimed muralist na si A.G. Saño, Art Atak team, Cosmic Clint, at RKTRS Art Collective.
Kasama rin ang mga inspiring volunteers mula sa Boundless Possibilities Foundation na nagdala ng Gentle Giants na isang grupo ng mga young artists na mayroong special needs, talented art students mula sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science & Technology, at art students mula saa UP College of Fine Arts at Central Colleges of the Philippines.
Ginawa ang unveiling ng QC Underparadisso bilang bahagi ng selebrasyon ng Earth Day.