90 araw na extension sa SIM card registration, inaprubahan ni Pangulong Marcos

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin pa ng 90 na araw ang deadline ng sumscriber identity module o SIM card registration sa bansa.

Bukas, Abril 26 sana ang deadline ng resgistration.

Inaprubahan ng Pangulo ang deadline ng SIM card registration sa sectoral meating na ginawa ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon sa Palasyo, nagkaroon na ng pagpupulong ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa stakeholders gaya ng ibat ibang public telecommunication entities at iba pang ahensya.

Base kasi sa talaan, nasa 82 milyon na SIM card pa lamang ang nairerehistro.

Nanganguhulugan ito ng 49.31% ng total active SIMs base sa talaan noong December 2022.

Sa kasalukuyan, nasa 168 milyon ang kabuuang bilang ng active sim cards sa bansa.

Sa 82 milyong nakarehistro, 37 million ang Globe subscribers, mahigit 39 milyon ang Smart subscribers at mahigit 5 milyon ang Dito subscribers.

Para sa mga hindi makapagrerehistro ng SIM card, malilimitahan ang paggamit sa SIM services mula sa mga telecommunications companies.

Kaya utos ng Pangulo sa DICT, magsagawa ng malawakang information drive at public announcement para mahikayat ang publiko na irehistro ang kanilang SIM card.

Target ng DICT na mairehistro at maabot ang 70 percent na target sa 90 araw extension.

Tumulong na rin ang National Telecommunications Commission sa pamamagitan ng paglalagay ng SIM registration facilities sa mga malalayong lugar.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11934 o SIM Registration Act noong October 10, 2022.

Layunin ng SIM card registration na matuldukan ang nakaalarmang spam messages at scams sa mga short messaging services (SMS) sa bansa.

 

Read more...