Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng 4.4 magnitude na lindol

 

 

Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang Bayabas, Surigao del Sur ng 11:20 kagabi.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 36 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Bayabas, Surigao del Sur, Intensity II sa Cagwait, Marihatag, Tago, at Tandag sa Surigao del Sur at Intensity I sa Cortes at San Agustin sa Surigao del Sur.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

 

Read more...