Muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Ayon sa OCTA Research, nasa 22 ang average daily cases sa lungsod ngayong linggo.
Mas mataas ito kumpara sa 17 cases na naitala noong nakaraang taon.
Tumaas rin ang positivity rate sa 8.3% mula sa dating 5.9%.
Ang positivity rate ay patungkol sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.
Nasa 1.32 naman ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City, mas mataas ng bahagya kumpara sa 1.19 noong nakaraang linggo.
Ipinapakita ng numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus.
Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.
Nananatili naman sa low risk level ang lungsod.
Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan na mag-ingat at sundin ang ipinapatupad na minimum health protocol upang maging ligtas sa virus at iba pang nakahahawang sakit.