Sa 6:46AM advisory, sinabi ng PAGASA na nakararanas ng malakas na buhos ng ulan sa Jalajala at Pililia sa Rizal at sa ialng bahagi ng Laguna dahil sa umiiral na thunderstorm.
Tatagal ang nasabing pag-ulansa nabanggit na mga lugar isa hanggang sa dalawang oras.
Samantala, sa susunod na dalawang oras, maaapektuhan din ng thunderstorm ang Cavite at iba pang bayan sa Rizal.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nakaka-apekto sa Muntinlupa at sa Paranaque at sa bayan ng Carmona sa Cavite.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging maingat sa malakas nap ag-ulan na may kaakibat na malakas na hangin at pagkulog at pagkidlat.