Mahigit P6M halaga ng marijuana, nasabat sa Agusan del Sur

marijuanaAabot sa walong sakop ng marijuana stalks ang nakumpiska ng mga tauhan ng Loreto Municipal Police Station sa Agusan Del Sur sa isinagawang operayson sa Barangay Waloe.

Ayon kay P/Sr. Insp. Aldrin Salinas, nagana pang operasyon sa RMI, Purok 4 Barangay Waloe sa bayan ng Loreto.

Nakatanggap umano sila ng impormasyon na mayroong transaksyon na magaganap sa lugar na agad naman nilang nirespondehan.

Nang dumating sila sa lugar, dinatnan nila ang walong sakop ng marijuana stalks pero wala na silang inabot na mga suspek na posibleng nakatunog umano sa kanilang pagdating.

Aabot sa 53-kilos ang bigat ng mga bagong aning marijuana stalks na tinatayang nagkakahalaga ng P6.6 milyon.

Nakatakda namang i-turn over ang mga nasabat na marijuana sa PNP Crime Laboratory para sa pagsusuri.

 

 

Read more...