Mula noong Abril 17 hanggang Abril 23, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,148 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.
Bunga nito, 450 ang average daily case at mas ng 32 porsiyento kumpara sa sinundan na anim na araw.
Sa mga bagong kaso, 14 ang malubha at kritikal ang kondisyon.
Nadagdagan naman ng lima ang bilang ng namatay dahil sa naturang sakit, ngunit wala noong Abril 10 hanggang 23.
Base pa rin sa inilabas na datos ng DOH ngayon hapon, may 345 pasyente na kritikal ang kondisyon ang nasa mga ospital.
May 275 pasyente sa 2,010 ICU beds ang okupado, samantalang sa 17,152 non-ICU beds, 2,980 ang okupado
“Pinaaalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID 19. Bagkus ay ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1,” paalala ng kagawaran.