Price rollback sa mga produktong-petrolyo bukas

Nag-anunsiyo na ang ilang kompaniya ng langis para sa paggalaw ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Simula alas-12:01 ng hatinggabi mamaya ay matatapyasan ng P1.40 ang presyo ng kada litro ng gasolina ng Caltex at Cleanfuel, P0.70 naman ang mababawas sa kanilang diesel at P0.20 sa kada litro ng kerosene.

Samantala, ala-6 ng umaga ay magpapatupad ng katulad na hakbang ang PetroGazz, Seaoil, Shell  at Jetti.

Inaasahan na susunod na naturang hakbang ang iba pang kompaniya.

Ang kabawasan sa presyo ay kasunod ng dalawang linggo na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo.

 

 

Read more...