Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang send-off ceremony para sa mga Filipinong atleta na lalahok sa 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 5-17, 2023.
Isinagawa ang send-off sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. Nasa 860 na atleta, 76 reserved at 347 sports officials, medical personnel at support staff ang bibiyahe sa Cambodia. Lalahok ang Team Philippines sa 608 na events sa 38 sports. Sa ilalim ng Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, makatatanggap ng P300, 000 na insentibo ang atletang makapag-uuwi ng gintong medalya, P150, 000 para sa silver at P60, 000 sa bronze medalist. Matatandaan na noong 2021 Seagames sa Hanoi, Vietnam, nakapag-uwi ang Pilipinas ng 227 na medalya, 52 gold, 70 silver at 105 bronze Sa kabuuan, nasa ikaapat na puwesto ang Pilipinas sa huling SEA Games.MOST READ
LATEST STORIES