Unang naitala ang magnitude 2.2 na lindol sa bayan ng La Libertad sa Zamboanga Del Norte alas 3:02 ng madaling araw.
Sa nasabi ring oras naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.1 na pagyanig sa bayan ng Calatagan, Batangas.
Ayon sa Phivolcs ang lindol na may lalim na 97 kilometers ay naitala sa 17 kilometers west ng Calatagan.
Kanina namang ganap na alas 4:35 ng madaling araw, ay naitala ang magnitude 3.1 sa Pavia Iloilo.
Nasa 19 kilometer naman ang lalim ng lindol at naganap sa 1 kilometer north ng Pavia.
Pawang tectonic ang origin ng tatlong lindol at wala namang inaasahang pinsala o aftershocks ayon sa Phivolcs.