Paglilikas ng mga Filipino sa Sudan nagsimula na
By: Chona Yu
- 2 years ago
Sinisimulan na ng pamahalaan ng Pilipinas ang paglilikas sa mga Filipino na apektado ng gulo sa Sudan.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Eduardo de Vega, sa susunod na 24 oras ay may mga batch na ng mga Filipinong makasasakay sa evacuation buses patungong Egypt.
Ayon kay de Vega, may tatlo ng babae na nag ta-trabaho sa Saudi Airlines ang dinala ng Saudi government sa Port Sudan.
Mula sa Port of Sudan ay sinunod ang tatlo ng isang military vessel galing Saudi Arabia na nagdala sa kanila sa King Faisal Naval Station sa Jeddah kung saan naman sila sinalubong ng consul ng Pilipinas.
Pakiusap ni De Vega sa gobyerno ng Saudi, isama sana ang mga Filipino na mailikas sa Port of Sudan.