Kakapusan ng plastic card para sa driver’s license iniapila ni Go

Nanawagan si Senator Christopher Go  sa Deparrment of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) naagad remedyuhan ang kakapusan sa suplay ng plastic card, na ginagamit sa driver’s license.

Aniya hindi na dapat makadagdag pa sa mga intindihin ng mga motorista ang isyu.

Dapat din aniya ay naghahanda na ang ahensiya ng gobyerno sa maaring kakapusan ng ilang suplay  at humanap agad ng solusyon para sa maging maayos ang pagbibigay serbisyo.

“Alam niyo tayong nasa gobyerno, unahin po natin ang comfort ng bawat Filipino. Huwag niyo pong pahirapan. Dapat po na-anticipate na kung kung magkakaroon po ng shortage ng supply ng card,” ayon sa senador.

Pinuna din nito ang balak na bigyan na lamang ng papel na lisensiya kapalit ng plastic license.

Sinabi nito na dagdag-pahirap pa sa mga motorista kung babalik pa sila ng LTO para mapalitan ang papel na lisensiya.

Read more...