Walang pagsirit ng COVID 19 cases sa 26 probinsiya – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID 19 sa 26 lalawigan sa bansa.

Ayon sa pahayag ng kagawaran, nanatili lamang ang Alert Level 2 status sa mga nabanggit na lalawigan na nagsimula noon pang nakaraang Hunyo.

Sa mga naglabasang ulat, may resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) noong Abril 14, tna nagsabing ang mga naturang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 2:

  1. Benguet
  2. Ifugao
  3. Quezon Province
  4. Palawan
  5. Camarines Norte
  6. Masbate
  7. Antique
  8. Negros Occidental
  9. Bohol
  10. Cebu province
  11. Negros Oriental
  12. Leyte
  13. Western Samar
  14. Lanao del Norte
  15. Davao de Oro
  16. Davao del Norte
  17. Davao del Sur
  18. Davao Occidental
  19. North Cotabato
  20. Sarangani
  21. Sultan Kudarat
  22. Dinagat Islands
  23. Basilan
  24. Maguindanao
  25. Sulu
  26. Tawi-Tawi

Paliwanag pa ng kagawaran, ang mga naturang lalawigan ay may mababang COVID 19 cases at utilization rates at mababa sa 70 porsiyento ang kanilang vaccination rate sa target population at 70 porsiyento ng mga nasa A2 (Senior Citizens) ang bakunado.

Kung tataas lamang ang vacciination rates, ayon pa sa DOH, ay maaring bumaba sa Alert Level 1 status ang mga nabanggit na lalawigan.

Paalala ng DOH, magpaturok na ang mga “unvaccinated,” gayundin ng booster shots.

 

Read more...