Humingi ang National Electrification Administration (NEA) ng tatlong linggo para makapaglatag ng mga konkretong solusyon sa krisis sa kuryente sa Occidental Mindoro.
Ito ang ibinahagi ni Sen.Raffy Tulfo sa kanyang pakikipagpulong kay NEA Administrator Antonio Almeda kahapon.
Nakipagpulong si Tulfo kay Almeda dahil higit isang buwan ng 20 oras na walang kuryente sa lalawigan kada araw.
Aniya ibinahagi sa kanya ni Almeda na may ginawa ng mga hakbang ang NEA para masolusyonan ang isyu sa kuryente.
Magugunita na bago ang Semana Santa, nagpulong na ang dalawa ukol sa isyu.
Kabilang sa mga hakbang ay pakikipagtulungan sa Department of Energy, National Power Corp., Department of Finance at DMCI Power Corp.
MOST READ
LATEST STORIES